Nawawala na ba ang iyong faith in humanity dahil sa dami ng hindi magagandang nangyayari sa mundo? 

Sa maraming netizens, tila nanumbalik ito matapos mag-viral ang Facebook post ni Rheena S. Guañezo Caampued dahil sa pagsauli ng isang tricycle driver sa naiwang pitaka ng kaniyang anak.

Ayon kay Mommy Rheena, dulot siguro ng naramdamang excitement ng kaniyang junakis na si Regneer, isang Grade 10 student sa Bataan National High School, naiwala umano nito ang kaniyang wallet sa unang araw ng klase

At maski estudyante ang may-ari ng wallet, sinabi ni Mommy Rheena na may laman umano itong ₱1k para sa isang linggong allowance ni Regneer bukod pa ang mga foreign currency na bigay umano ng mga tito at tita nito.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I thought, if it's really gone, my son will definitely learn his lesson,” saad ni Mommy Rheena sa kaniyang post.

Pero nagulat siya na matapos ang ilang minutong pagpa-panic, tumawag daw si Beejay Carlos De Leon, ang driver ng sinakyang tricycle ni Regneer, para sabihing ibabalik nito ang wallet na naiwan ng kaniyang anak.

“I'm so glad na nararanasan ng mga anak ko ang goodness ng kapwa because I'm sure they will pay this forward. Mas lalong magiging mabuting tao ang mga anak ko dahil sa mga ganitong klaseng tao. ❤️”

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Mommy Rheena, nabanggit niyang masaya rin umano si Regneer sa naging kabutihan ni Beejay. Tinanong pa niya ang bata kung nagpasalamat ba ito. Oo raw. Bibigyan pa nga sana ng ₱100 ang nasabing tricycle driver.

“Nung nagbigay po siya, ibinabalik daw ng driver kaya nagmadali siyang umalis para hindi na mag-insist ang driver. Sabi daw po kasi hindi, wag na, okay lang,” kwento pa ni Mommy Rheena.

Kaya naman lubos-lubos ang pasasalamat ni Mommy Rheena para kay Beejay. Ang hiling niya, sana tularan pa ang kabutihang loob ni Beejay lalo na ng kabataan.

“Alam ko po sir na hindi malaking halaga ang laman ng wallet ng anak ko, pero para sa isang estudyante, importante na po iyon. May sentimental value din po kasi,” pahabol ni Mommy Rheena.