Nagbigay ng reaksiyon si "Eat Bulaga" host Joey De Leon sa panawagang gawing "National Artists" ang TVJ, o tawag sa trio nila nina Tito Sotto III at Vic Sotto.

Saad ni Joey sa kaniyang X post nitong Marso 25, "Kami at EB National Artists? Ngek, WAG NA!"

"Gawin nyo na lang kaming FUNCTION ALL ARTISTS! Eh kasi we’ve covered nearly everything—-radio, TV, newspaper, movies, recording, arts, politics, etc. but seriously, watch our Lenten offerings starting today at 12:00 noon. TY!"

https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1772096787618378043

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens:

"Respect"

"Yep sa totoo lang you deserve it po"

"Di niyo din naman deserve maging national artist. Jusko naman yuck naman"

"Ikaw lng naman ang may idea nyan Sir, papansin lng baka mag trending 😏"

"Wala Naman nag sasabi dapat kayo gawin national artist 🙄 delulu na si joey gawin pakayo sana NA if nasa gma pakayo kaso lumipat kayo sa cheap na network na downgrade Tuloy kayo sayang kayo"

"Oo naman, malaki ang ambag ninyo sa noontime show."