Nagbigay ng mensahe si Vice President at Department of Education Secretary Sara Z. Duterte kaugnay sa panahon ng Kuwaresma nitong Lunes, Marso 24.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Duterte na kaisa raw siya ng mga mananampalataya ni Hesu-Kristo na gumugunita sa kamatayan Niya at muling pagkabuhay para sa kaligtasan ng sanlibutan.

“Naisulat sa Bibliya ang Kaniyang wagas na kadakilaan at pagmamahal para sa ating lahat. Ito ang dahilan kung bakit sinunod Niya ang kalooban ng Diyos Ama na mapako sa krus at ialay ang Kaniyang buhay,” saad ni Duterte.

“Kaya naman, hangad ko na sa panahong ito ng ating pagninilay-nilay ay alalahanin natin ang Kaniyang kabutihan. Isapuso’t isip natin ang Kaniyang mga naging sakripisyo at patuloy pa nating pagtibayin ang ating pananampalataya,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag pa niya: “Nawa’y maging gabay ang Kaniyang mga aral at salita sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kasama sa aking panalangin ang kapayapaan at pagkakaisa para sa ating bansa.

Sa huli, hiniling din ni Duterte na maging inspirasyon sana ng bawat ang panahon ng Kuwaresma upang ipagpatuloy ang Maka-Diyos at demokratikong mithiin para sa bayan.

“Patnubayan nawa tayo ng Poong Maykapal,” sabi pa niya.

Samantala, nauna nang magbigay ng kaniyang mensahe para sa Semana Santa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Linggo, Marso 24.

MAKI-BALITA: PBBM sa Semana Santa: ‘Spread kindness and selflessness’