“Nakahagulgol na ba lahat?”
Muling nag-trending sa X ang highest grossing film sa bansa na “Rewind” matapos itong magsimulang maging available sa Netflix nitong Lunes, Marso 25.
Matatandaang noong Pebrero 22 nang ianunsyo ng Netflix na Marso 25, 2024 unang eere ang movie ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes o DongYan sa streaming platform, bagay na inabangan naman ng kanilang mga taga-hanga.
Dahil “the wait is over” na at available na nga ang pelikula sa Netflix, agad itong nag-trending sa X.
Narito ang ilan sa mga sentimyento ng netizens kaugnay ng pelikula:
“So, kaya pala pinilahan sa sinehan dahil worth it naman talaga yung palabas na maganda, heart warming at deserving to be on top grosser film. Ang galing ng Netflix, sakto sa holy week. Galing ng DongYan couple and the whole cast..”
“hagulgol nanaman sa iyak HAHSHAJHSAKSHAKSHAKSH kakainissss sakit ng rewind.”
“Rewind is definitely one of a kind movie – sa susunod na habang buhay .”
“Hagulgol ako sa opisina habang pinapanood yung Rewind .”
Habang isinusulat ito’y umabot na sa 4,991 post sa X tungkol DongYan movie.
Sa direksyon ni Mae Cruz Alviar, ang “Rewind” ay isang Star Cinema film na kasama sa mga official entry ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong nakaraang taon.
Matatandaang inihayag ng Star Cinema kamakailan na ang nasabing film na ang “highest-grossing Filipino movie of all time” matapos itong tumabo ng halos isang bilyon.
Tinalbugan ng pelikula ang kinita ng “Hello Love Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards noong 2019 na ₱881 million.
https://balita.net.ph/2024/01/31/kita-ng-rewind-malapit-nang-mag-%e2%82%b11-bilyon/
Dahil din sa “Rewind,” kinilala si Dingdong, kasama si “Mallari” star Piolo Pascual, bilang “Best Actor” sa kauna-unahang Manila International Film Festival (MIFF) sa Los Angeles, California.