Sa pagdiriwang ng Semana Santa, nanawagan si Pope Francis sa mga mananampalataya na buksan ang kanilang mga puso para kay Hesukristo.

“Jesus entered Jerusalem as a humble and peaceful King: let us open our hearts to Him,” ani Pope Francis sa isang X post nitong Linggo, Marso 24.

“Only He can free us from enmity, hatred, and violence, because He is mercy and the forgiveness of sins,” saad pa niya.

Matatandaang nito ring Linggo nang ihayag naman ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula Jr. na ang Semana Santa ay isang espesyal na pagkakataon upang maranasan ang habag at walang hanggang pagmamahal ng Diyos.

National

Archbishop Advincula sa Semana Santa: ‘A special time to experience God’s mercy’

Ipinagdiwang nitong Linggo ang “Linggo ng Palaspas” o ang paggunita sa matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem sakay ang isang asno.

Sa araw na ito rin ang pagsisimula ng Semana Santa at ang nalalapit na pagdating ng araw ng paghihirap ni Hesus para sa kasalanan ng mga sanlibutan.

https://balita.net.ph/2024/03/23/ano-ang-ginugunita-sa-bawat-araw-ng-semana-santa/

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/03/24/ang-kuwento-ni-hudas-pedro-at-ang-walang-hanggang-pag-ibig-ni-kristo/

https://balita.net.ph/2024/03/24/bakit-taon-taong-nag-iiba-ang-petsa-ng-semana-santa/