Pilipinas, kinampihan ng ilang bansa vs pambu-bully ng China
Sinuportahan ng ilang bansa ang Pilipinas kaugnay ng huling insidente ng pambu-bully ng China sa sasakyang-pandagat nito na nagsagawa ng rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kamakailan.
Sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang sa sumuporta sa Pilipinas ang European Union na nagpahayag ng pagkabahala dahil sa insidente.
“The succession of repeated dangerous maneuvers, blocking and water-cannoning from Chinese Coast Guard vessel and Maritime Militia against Philippine vessel engaged in resupply missions constituted a dangerous provocation against the Philippines vessels. These acts put human lives at risk, undermine regional stability and international norms, and threaten security in the region and beyond. The EU calls for restraint and full respect of the relevant international rules, so as to ensure the peaceful resolution of differences and reduction of tensions in the region,” ayon sa EU.
Kinampihan din ni Uniited States (US) Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, ang Pilipinas kasunod ng insidente.
“The US stands with the Philippines against PRC’s repeated dangerous maneuvers and water cannons to disrupt Philippine Coast Guard lawful activities in the Philippine EEZ (exclusive economic zone),” ani Carlson.
Kabilang din sa nabahala sa insidente sina United Kingdom Ambassador Laure Beaufils at Japanese Ambassador Endo Kazuya.
Labing-anim pang bansa ang sumuporta sa Pilipinas. Ang mga ito ay kinabibilangan ng Germany, France, Canada, Australia, Czech Republic, Denmark, Finland, Hungary, Italy, South Korea, The Netherlands, New Zealand, Poland, Romania, Spain, at Sweden.
Matatandaang napinsala ang nasabing supply boat matapos bombahin ng tubig ng dalawang barko ng China Coast Guard nitong Sabado habang ito ay patungong Ayungin Shoal upang magdala ng supply sa BRP Sierra Madre.