Umabot na sa 137 ang nasawi sa naganap na pag-atake ng mga terorista sa concert hall sa Moscow, kamakailan.

Ito ang pahayag ng Russian Investigative Committee at sinabing 62 pa lamang sa mga nasawi ang nakilala ng mga awtoridad.

"The identification of those dead continues. As of now, as many as 137 bodies have been found. Three of them are children. The survey of the site continues. By now, sixty-two bodies have been identified," ayon sa komite.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Binanggit din sa ulat, narekober ng mga awtoridad ang apat na paris ng tsinelas, mahigit sa 500 basyo ng bala, 28 magazine at dalawang baril na pinaniniwalaang ginamit ng mga terorista.

Matatandaang pinagbabaril ng ilang kalalakihang naka-camouflage ang nasabing concert hall ng Crocus City sa Moscow nitong Biyernes, Marso 22.

Pagkatapos ng insidente, 11 suspek ang inaresto, kabilang ang apat na nagtangkang tumakas patungo sa border ng Ukraine.

Nauna nang tiniyak ni President Vladimir Putin na pananagutin nila ang nasa likod ng pag-atake.

PNA