Maging “wake-up call” na sana ang kalunos-lunos na nangyari sa golden retriever na si “Killua” para paigtingin ang “Animal Welfare Act” na nagpaparusa sa mga nagmamaltrato sa mga hayop, ayon sa isang mambabatas.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Marso 25, nanawagan si Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte sa kaniyang mga kapwa mambabatas na amyendahan na ang “Animal Welfare Act of 1998.” 

“We are hoping that Killua’s senseless death in the hands of its owners’ neighbor would be a wake-up call for the members of both the House of Representatives and the Senate to act on proposed amendatory laws meant to tone up the 26-year-old Animal Welfare Act,” ani Villafuerte.

Taong 2022 nang ihain ni Villafuerte ang House Bill (HB) No. 6059 or “The Revised Animal Welfare Act” na naglalayong i-update ang Republic Act (RA) No. 8485, o ang Animal Welfare Act of 1998 at RA No. 10631, na amyendahan ang RA No.8485.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakabinbin ang naturang House bill sa House Committee on Agriculture and Food.

Samantala, matatandaang nag-trending sa X kamakailan ang #JusticeForKillua matapos i-post sa Facebook ng fur parent na si “Vina Rachelle” ang naturang nangyari sa kaniyang minamahal na fur baby.

MAKI-BALITA: #JusticeForKillua: Post ng fur mom tungkol sa pinaslang, isinakong fur baby viral na

Matapos namang kunin ng netizens ang atensyon ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), sinabi nitong tutulong din sila sa fur parent ni Killua kaugnay ng susunod na magiging hakbang para makamit nito ang hustisyang nararapat para sa kaniya.

MAKI-BALITA: PAWS kinakalampag para sa #JusticeForKillua

Nito lamang namang Lunes, inihayag ng PAWS na itutuloy nila ang kaso ng salarin dahil sa animal cruelty.

MAKI-BALITA: Tinuluyan ng PAWS: Killer ni Killua, nahaharap sa dalawang kaso