Tatlong hinihinalang tulak ng droga ang pinatay sa buy-bust operations sa Davao City, ilang oras matapos magdeklara ng giyera kontra droga si Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa lungsod.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Larry, Jehurry Dresser, at Timoy.

Pinaputukan umano ni Larry ang mga arresting officer sa Shrine Hills Matina bandang 10:56 ng gabi noong Sabado, Marso 23. Narekober sa kaniya ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P43,860 at isang unregistered caliber .38 revolver.

Binaril naman ni Dresser ang “lawmen” na gumanti ng putok at napatay ang suspek sa Matina Aplaya bandang 10:55 ng gabi noong ding Sabado.

National

Mayor Baste Duterte, nagdeklara ng ‘war on drugs’ sa Davao City

Samantala, pinatay si Timoy sa Barangay Mintal pasado 4:00 ng madaling araw sa Barangay Mintal nitong Linggo, Marso 24. Narekober sa kaniya ang isang malaking sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P27,000, isang kalibre .38 revolver, at P19,000 buy-bust money. .

Matatandaang noong Biyernes, Marso 22, nang magdeklara si Mayor Baste ng “war on drugs” sa Davao City dahil umano sa muling pagtaas ng kaso ng ilegal na droga sa siyudad.

Hindi naman idinetalye ng alkalde kung aling mga bahagi ng siyudad ang may mataas na kaso ng ilegal na droga.

- Ivy Tejano