Sinimulan ng ating mga ninuno ang tradisyon ng pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay na may mga itlog, at ipinagpatuloy natin ito sa paglipas ng panahon.
Sinasabing ang mga itlog na ito ay sumisimbolo ng bagong buhay at madalas kaugnay sa Pasko ng Pagkabuhay para sa mga Kristiyano.
Ang pinagmulan ng mga easter egg ay tila nagmula sa medieval Europe, ito ay ideya ng mga sinaunang Kristiyano o nag-ugat sa mga tradisyon ng Anglo-Saxon.
Sinamba ng mga Anglo-Saxon ang diyosa na si Eastre habang ipinagdiriwang nila ang “spring equinox,” na nagpakita ng muling pagsilang ng kalikasan pagkatapos ng malamig na panahon.
Para ipagdiwang ay karaniwan silang kumakain ng mga itlog at ibinabaon pa nga ang mga ito sa lupa upang isulong ang pagkamayabong sa mga tao at dito na nagsimula ang tradisyon ng paggamit sa itlog.
Dahil ang Pasko ng Pagkabuhay ay ginugunita ang muling pagkabuhay ni Hesus, ginagamit ang mga itlog sa iba’t ibang paraan: tulad ng easter egg hunts, dekorasyon, pagbibigay ng mga itlog bilang mga regalo, o pakikilahok sa mga laro na may mga itlog.
Ang easter egg hunt ay isa lamang masayang tradisyon na ipinagdiriwang sa buong mundo at kahit ang mga hindi Kristiyanong komunidad ay maaaring makisalo sa espesyal na selebrasyon na ito.
Happy Easter Egg hunting!
- Rhowen Del Rosario