Inalmahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kumakalat na pekeng impormasyon kaugnay ng umano'y inilalabas na listahan para sa payout ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa social media post ng ahensya, ipinaliwanag nito na hindi nila isinasapubliko ang listahan nito sa pamamagitan ng link dahil paglabag ito sa Data Privacy Act of 2012.

"Huwag paloloko! Ang Facebook account na ito, https://www.facebook.com/profile.php?id=61550798172518 ay nagbibigay ng maling impormasyon patungkol sa programang 4Ps," anang DSWD.

Kaugnay nito, pinayuhan ng ahensya ang publiko na bisitahin lamang ang social media accounts at website ng DSWD, kasama na rin ang Facebook page ng 4Ps upang makakuha ng tamang impormasyon hinggil sa programa.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

"Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source," dagdag pa ng DSWD.