Hindi pinalampas ng komedyanteng si Kim Molina ang isang basher na may malisyosong tanong tungkol sa kanila ng jowang si Jerald Napoles, at lumait pa ritong "mukhang kargador."

Sa kaniyang Facebook post, iginiit ni Kim na pumalag siya sa bash kay Jerald dahil sa paggamit ng salitang "kargador" para manlibak ng tao, na kung tutuusin, wala namang masama sa pagiging loader o kargador.

"People who casually comment things like this. 🤦 ♀️ And to those who will say 'just ignore it,' MY POINT IS WAY BEYOND THAT. What is your problem in being a 'loader' eh actually, people who do hands-on labor work are people we should acknowledge the hard work they do every day. This is not something to be ashamed of. Without them, go carry your own box of ammunition, you mix your own cement, you throw your own garbage truck, you knock your own cabinet and you build your own house or building with your own hands. DO NOT UNDERESTIMATE THE IMPORTANCE OF THOSE PEOPLE WORKING FOR US," ani Kim.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

"Someone commented on social media, don't peel onions. Basically, just let it be. Well, he also said the truth. But I'll just repeat and copy paste my reply there: I'm not onion skin. If I sum up all the dummy bash we receive every day one by one, we might have crispy onion rings prepared errrrday. lol. With this post I’m pointing out the unfair entitlement of people belittling hands-on laborers. Someone needed to speak out, and so I did," giit ni Kim sa mga nagsasabing huwag siyang balat-sibuyas o maramdamin.

Kalakip ng post ang screenshot ng tanong sa kaniya ng netizen at kung paano niya ito sinagot.

Malisyosong tanong ng basher, as is, "na 69 na po ba kayo ng jowa mong mukhang kargador?"

Buwelta ni Kim, bastos daw ang commenter at malamang na nagtatago lang sa pekeng account.

Sumunod, inamin ni Kim na naging kargador talaga si Jerald bago nito pasukin ang pag-aartista. Proud umano si Kim sa lahat ng mga pinagdaanan ni Jerald kaya hindi raw niya gets na may halong tila mali o ginagamit na pang-insulto ang salitang kargador sa pisikal na katangian ng isang tao.

Inunahan na rin ni Kim na huwag maging defensive ang basher dahil hindi raw siya tanga at alam niyang mag-read between the lines.