Ang Pasko ng Pagkabuhay para sa mga Kristiyano ay pagdiriwang sa resureksyon ni Hesus pagkatapos niyang ipako sa krus bilang kaganapan sa pagkatubos ng kasalanan ng sanlibutan ayon sa nakasaad sa kasulatan.

Naging bahagi na ng mahabang tradisyong Kristiyano ang pagdiriwang na ito na may kasamang mga itlog na pinaniniwalaang nagmula sa medieval Europe.

MAKI-BALITA: Itlog sa Pasko ng Pagkabuhay, ano nga ba ang sinisimbolo?

Pero bukod sa itlog, palaisipan din marahil para sa marami kung ano nga ba ang sinisimbolo at kaugnayan ng kuneho sa Pasko ng Pagkabuhay dahil wala namang detalyeng nasusulat sa Bibliya tungkol sa bagay na ito.

Human-Interest

'Puro kayo Labubu, mas masaya to!' Paper dolls noong 90s, naghatid ng nostalgia

Ayon sa mga tala, hindi talaga makikita sa banal na kasulatan ang kaugnayan ng kuneho sa Pasko ng Pagkabuhay dahil nakaugat umano ito sa kapistahan ni Eostre. Sa mga pagano, siya ang itinuturing na diyosa ng pagdadalang-tao.

Nagsimula umanong ikabit ang kuneho sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay noong 1700 kung kailan dumating ang mga German sa Pennsylvania. 

Dinala ng mga German sa naturang lugar ang paniniwala nila tungkol sa umano’y kunehong nangingitlog na kung tawagin ay “Osterhase” o  “Oschter Haws.”

Kaya sinasabihan nila ang mga bata na gumawa ng pugad kung saan maaaring mangitlog ng iba’t ibang kulay ang mga kuneho. Bilang kapalit, nagdadala ang mga ito ng iba’t ibang regalo para sa mga bata gaya ng candy at chocolate. 

Kalunan, kumalat na ang tradisyong ito at tinanggap sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi naman bago sa Kristiyanismo ang paglalangkap ng tradisyon mula sa mga pagano. Matatandaang ang mismong kapanganakan ni Hesus ay isinasabay sa kaarawan ni Mithras—na para sa mga Iranian ay diyos ng araw.