Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng hapon, Marso 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:22 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 21 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Naiulat ang Intensity III sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR at Intensity II sa Cagwait, SURIGAO DEL SUR.

National

PBBM namahagi ng P100M ayuda; umaasang makabangon agad ang Bicol

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - Tandag, SURIGAO DEL SUR

Intensity I - City of Cabadbaran, AGUSAN DEL NORTE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.