Sinariwa ng TV at social media personality na si Sachzna Laparan ang naranasan niya noong bata siya na nagdulot umano sa kaniya ng childhood trauma.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Marso 24, emosyunal na ikinuwento ni Sachzna ang tungkol sa isang malayong kamag-anak nila na pinatira umano ng lola at lolo niya sa bahay nito.

“Ang lola ko, sobrang bait. Inampon niya. Pinag-aral. Ganyan. Parang 17 siya that time. Pero ako noong time na ‘yon, 5 years old ako,” kuwento ni Sachzna.

“Wala naman akong kaalam-alam kasi bata pa. Tapos kumbaga kung anong gusto niyang ipagawa, gagawin ko. Ganyan,“ wika pa niya. 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon pa sa kwento ni Sachzna, bagama’t kasama raw niya ang kaniyang lolo at lola, hindi rin naman siya gaanong natututukan dahil matatanda na ang mga ito.

“May room po ako that time. Kasi nagwo-work po ang mama ko. So, medyo okay po ang buhay ko no’n. May kaniya-kaniya kaming room lahat. Maraming beses kasing nagagawa, e,” saad niya.

“Nandoon ‘yong hawak, paghipo sa private parts ko. Tapos ‘yong ari niya, [ipapasubo] niya sa bibig ko,” dugtong pa niya.

Ang hindi raw pinakamakakalimutang alaala ni Sachzna ay noong pinapasok ng kamag-anak niya ang kaniyang kwarto sa madaling-araw. Kaya ang ginagawa raw niya, nagtatago agad siya sa loob ng kaniyang cabinet.

“Pumunta naman ako sa cabinet ko. Tapos may puwang doon na nakikita ko siya na hinahanap na niya ako. Ganyan. ‘Labas ka na,’” sabi niya.

Dagdag pa ni Sachzna: “Tapos nakita niya ako. Di naman sapilitan pero dinala na niya ako sa kama. Tapos ginagawa na niya ‘yong mga gusto niyang gawin sa akin.”

Dumating din daw sa punto na tinatakot siya ng kaniyang naturang kamag-anak para hindi magsumbong Sinasabihan siya nito na papatayin ang kaniyang lolo at lola. Pati rin ang mama niya.

Kaya naman, hindi maalis sa isip ni Sachzna ang nangyari. Hanggang sa magdala siya, dala-dala niya ang mapait na karanasan. 

Saka lang daw siya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang ginawang pananamantala sa kaniya noong buo na ang kaniyang pamilya dahil pakiramdam niya ay nakahanap na siya ng kakampi.