Sa pagsisimula ng Semana Santa, hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga mananampalatayang Kristiyano na huwag kalimutan ang kabuluhan ng banal na pagdiriwang at ibahagi ang kabutihan sa kanilang kapwa.
Sa kaniyang mensahe nitong Linggo ng Palaspas, Marso 24, binanggit ni Marcos na ang Semana Santa ay isang paggunita ng pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.
Isa rin daw paraan ang banal na pagdiriwang upang makapagnilay-nilay ang bawat isa at muling tuklasin ang espirituwalidad na nasa kaibuturan ng kanilang pagkatao.
“This hallowed time of contemplative silence behooves us to ponder on the mysteries that elude our grasp, seek revelation in the face of the inexplicable, and acknowledge the interplay of joy and sorrow in life so that we may understand the path laid before us by Almighty God,” ani Marcos.
“May our inward reflections manifest in our outward actions as we strive to give hope in a world that is threatened by darkness. Let us be the light that shines through the shadows, the love that triumphs over despair, and the hope that radiates upon all humankind,” dagdag niya.
Inihayag din ng pangulo na ipinagdarasal niyang tanggapin ng bawat isa ang kanilang sarili, at palalalimin ang relasyon nila sa Diyos.
“In this solemn occasion, let us not only seek to unravel the mysteries of our faith, but also to illuminate the path for others through acts of kindness and selflessness,” pahayag ni Marcos.
“I pray that we may humbly accept our authentic selves as imperfect beings, for it is by becoming truly human that we can experience the divine. Let us always remember to seek the Lord in our desires and to desire Him in our seeking,” dagdag pa niya.
Sa Linggo ng Palaspas ginugunita ang matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem sakay ang isang asno. Sa kaniyang pagpasok sa templo, masayang naglatag ang mga tao sa lugar, na nagdidiwang ng pista ng Paskwa, ng mga dahon ng palma o palaspas sa kaniyang dinaraanan.