Ibinahagi ng TV at social media personality na si Sachzna Laparan ang tungkol sa dati niyang nakarelasyon na itinago siya ng apat na taon sa publiko.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Marso 23, isiniwalat ni Sachzna ang dahilan kung bakit siya itinago ng kaniyang ex nang gano’n katagal.

“Kasi mayro’n daw siyang malaking business na pwedeng maka-affect daw kapag inilabas ako,” lahad ni Sachzna.

Tanong tuloy ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga: “So, paano kayo nagde-date?”

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

“Lahat sa bahay lang po nang 4 years. Ang 4 years na ‘yon, never kong naranasang mag-sine nang kasama siya,” saogt niya.

“Parang naging kabet ako pero hindi naman. Doon ako nauntog. After 4 years, doon nauntog. Sabi ko, ‘parang hindi ko na kaya.’ Sabi niya, ‘hindi ipagmamalaki na kita. Malapit na,’” aniya.

Tsika pa ni Sachzna: “‘Ay, hindi na! Ayaw ko na.’ Naghahabol pa rin siya noon that time kahit sabi ko ayaw ko na.”

Eventually, nagkaroon din naman ulit si Sachzna ng bagong jowa. Niligawan siya at pagkatapos ay sinagot niya. Noon daw niya naramdaman ang totoong relationship. Kabaligtaran daw ng naranasan niya dati. 

Pero sadly, hindi rin nag-work ang relasyon nila. Naghiwalay din at the end. Mas pinila raw kasi ng lalaki ang career nito. 

Gayunpaman, naiintindihan naman daw ni Sachzna ang nangyari dahil nakikita niyang naggo-grow ito.

Samantala, sa unang bahagi ng panayam, sinariwa naman ni Sachzna ang naranasan niya noong bata siya na nagdulot ng childhood trauma sa kaniya.

MAKI-BALITA: Sachzna Laparan, ibinahagi ang childhood trauma: ‘Dinala niya ako sa kama’