Binakbakan ng mga netizen ang tinaguriang Master Henyo na si Joey De Leon matapos nitong mag-post tungkol sa umano’y “something nakakakilabot.”

Sa kaniya kasing X post nitong Sabado, Marso 23, ibinahagi niya ang tila natuklasan niya sa painting kung saan naroon siya kasama ang kaniyang mga co-host sa “Eat Bulaga.”

“Here’s something “nakakakilabot”—-TVJ’s position sa painting are the Channel numbers of the stations we’ve been to—-5th, 7th and 9th. Meng is on 2nd! At lahat kami 13! Wow!” saad ni Joey.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang naturang post dahil tila pilit na pilit umano ang bata nito. Narito ang ilan sa mga komento ng netizen:

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

"Nainggit sa Showtime? Bwak bwak bwak kabado na yarn? BWHWHWHHW"

"Corny. As always!"

"Huh? Anu daw?"

"hahaha. pilit na pilit ah"

"Nangilabot ka sa painting pero kay Pepsi hindi ka kinikilabutan??"

"Cringe nung Taglish kineso ni tanda."

"Meng is on the 2nd. Maipilit yung channel 2? Anong nakakakilabot dun? Ina nento"

"mema haha"

"Then?"

"laos na tanders"

"Kanino lolo to. Sunduin niyo na"

"jusko na-iconnect mo pa yan"

"Pahinga na kayo wala na kayong appeal."

"No charm at all ☹️"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang tugon si Joey para sa mga netizen na nagbigay ng mga komento.