“Mon chéri, Charon 🥐”
Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang imahen ng pinakamalaking buwan ng Pluto na “Charon.”
Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na nakuhanan ng kanilang New Horizons spacecraft ang naturang “high-resolution enhanced color view” ng Charon bago ito marating ang closest approach sa Pluto noong Hulyo 14, 2015.
Ayon din sa NASA, sa limang buwan ng Pluto, ang Charon ang pinakamalaki dahil may lapad itong 754 miles (1,214 km).
Nasa humigit-kumulang 1,400 milya naman daw ang lapad mismo ng Pluto kaya’t halos kaya’t halos kalahati nito ang naturang buwan.
“Charon and Pluto are planetary besties – or sometimes referred to as a double dwarf planet system,” anang NASA.
Ang distansya raw sa pagitan ng Pluto at Charon ay 12,200 milya (19,640 km).
“At half the size of Pluto, Charon is the largest known satellite relative to its parent body,” saad din ng NASA.
“The same surfaces of Charon and Pluto always face each other, a phenomenon called mutual tidal locking,” dagdag pa nito.