Usap-usapan ang video ni Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao matapos niyang papalitan ang gamit na mikropono habang nagtatalumpati sa isang event, dahil hindi niya natiis ang mabahong amoy nito.
Batay sa video, matapos ang palakpakan ng audience ay may tinawag ang alkalde at pinapalitan ang mikropono.
"Poca, can I change the mic? There's bad breath here," aniya.
"Sorry, mabaho talaga 'yong mic. Sorry, I can't, ang baho, it's amoy maasim..."
Nang mapalitan na ang mic, sinabi ng mayor na ayaw niyang magkaroon ng halitosis.
"I don't wanna have halitosis, you know," natatawang sabi nito bago nagpatuloy sa kaniyang talumpati.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Ang arte... coming from a public servant... ingat-ingat din ng bibitawang salita. You are brutally frank."
"Marami na yata gumamit ng mic hahaha."
"Kaartehan at its finest. Puwede naman sabihin in a nice way 'di ba?"
"Naku, parang napahiya naman 'yong huling gumamit ng mic, baka 'yong emcee pa haha."
"Sorry direct to the point talaga ang mayor namin, direct to the point din kong kumilos sa bayan ng Bayambang…"
"Mas concern ako kung sino yung unang gumamit ng microphone."
Bago naging alkalde ay naging housemate muna sa reality show na "Pinoy Big Brother" si Niña Jose bago pasukin ang showbiz, hanggang sa pasukin na rin ang politika.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Mayor Niña Jose kaugnay nito.