Mahigit na sa ₱2.1 bilyon ang tinamaan sa lotto ngayong 2024.

Sa datos ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nasa 25 nanalo ang nakinabang sa kabuuang jackpot na ₱2.1 bilyon.

Paglilinaw ng PCSO, tinamaan ang nasabing premyo mula Enero 2 hanggang Marso 20.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Binanggit ng PCSO, pinakamalaking napanalunan ang mahigit sa ₱698 milyon na tinayaan sa electronic lotto nitong Enero 17, ikalawa ang higit ₱640 milyon na tinamaan sa Rizal Avenue outlet sa Maynila nitong Enero 16, at ang ikatlo ay nasa ₱175 milyon na napanalunan sa Santolan, Pasig City nitong Pebrero 29.

Hindi na nagbigay ng iba pang impormasyon ang PCSO sa pagkakakilanlan ng mga instant millionaire upang mapangalagaan ang kanilang seguridad.