Magpapatupad ng malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa Martes, Marso 26.

Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), ₱1.90 hanggang ₱2.10 ang idadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, ₱1.35 hanggang ₱1.50 ang ipapatong sa presyo ng bawat litro ng diesel at ₱1.40 hanggang ₱1.50 naman ang itataas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Kabilang sa sinasabing dahilan ng paggalaw ng presyo ng langis ang nakaraang pag-atake ng Ukraine sa tatlong oil refinery ng Russia.

Idinahilan din ang naging desisyon ng Iraq na magbawas ng ini-export na langis kamakailan.
National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA