Ipinahayag ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula Jr. na ang Semana Santa ay isang espesyal na pagkakataon upang maranasan ang habag at walang hanggang pagmamahal ng Diyos.

Sa kaniyang homiliya sa misa sa Manila Cathedral para sa Linggo ng Palaspas nitong Marso 24, binanggit ni Archbishop Advincula ang kuwento ng mga dispulong sina Hudas at Pedro na nagkanulo at nagtatwa kay Hesus.

“The story of Judas and Peter shows us that Judas felt so bad for betraying Jesus, but he could not see any way to fix things, and ended his life. But Peter, even though he also denied our Lord, not only once but three times, felt really sorry. He asked for forgiveness and went back to Jesus, showing us that it is possible to make things right again.”

MAKI-BALITA:

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Kaugnay nito, sinabi ni Archbishop Advincula na mahalagang ipagdiwang ang Semana Santa sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa sarili at paghingi ng tawad sa Panginoon sa mga nagawang kasalanan.

“Let us look at Holy Week as a special time to experience God’s mercy. Let us admit where we have gone wrong, and decide to follow Jesus again. When we open our hearts and say sorry, we can really feel God’s forgiveness,” anang arsobispo.

“In doing so, we reaffirm our dedication to follow him, strengthened and afflicted by his boundless love.”

“May this Holy Week be a transformative journey for us all, a journey leading us closer to the heart of our faith,” saad pa niya.