Gaano man tayo pumalpak, maaari pa rin tayong magbalik-loob, magsisi at magbago. Buong galak tayong muling tatanggapin ng walang hanggang pagmamahal ni Kristo.

Ito ang isa sa mga mensaheng ipinabatid ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula Jr. sa misa para sa Linggo ng Palaspas nitong Marso 24, 2024.

Sa kaniyang homiliya, binanggit ni Archbishop Advincula ang kuwento ng pagsubok na pinagdaanan ng mga disipulo ni Hesus, partikular na sina Hudas at Pedro.

Ayon nga sa kasulatan, si Hesus ay ipinagkanulo ni Hudas, at itinatwa naman nang tatlong beses ni Pedro.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Kahit na mga disipulo na ang mga ito ng Panginoon, pumalpak at nagkamali pa rin sila. Nagkasala pa rin sila. At pagkatapos maaresto ni Hesus, iniwan Siya ng Kaniyang mga disipulo—ng kaniyang mga kaibigan.

At hindi man natin matanggap kung minsan, anang arsobispo, may mga pagkakataong parang tayo rin ang mga disipulo ni Hesus.

“It is easy to think we would not make the same mistakes as the apostles. But in truth, we often find ourselves in their shoes. We proclaim our faith in Jesus, but when faced with challenges, our faith can waver,” ani Archbishop Advincula.

Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok na minsa’y nagpapabitaw sa atin, mayroon pa ring pag-asa. Sa kabila ng kasalanan, ang pag-ibig ni Hesus ay wala pa ring hangganan.

“The story of Judas and Peter shows us that Judas felt so bad for betraying Jesus, but he could not see any way to fix things, and ended his life. But Peter, even though he also denied our Lord, not only once but three times, felt really sorry. He asked for forgiveness and went back to Jesus, showing us that it is possible to make things right again.”

Kaya’t katulad ni Pedro, magsisi lamang tayo sa ating mga kasalanan, piliing ituwid ito at magbago, tatanggapin at tatanggapin tayo ni Hesus na lubos na nagmamahal sa atin.

“Gaano man tayo kapalpak, katulad ng mga alagad, maaari pa rin tayong magbalik-loob sa Diyos. We are not defined by our mistakes, but by how we deal with them. Judas gave up, but Peter chose to say sorry and change his ways. This gives us a strong message of hope,” saad ni Archbishop Advincula.

“No matter how bad things get, we can always choose to heal and come back together.”

Kaya’t, ayon kay Archbishop Advincula, maging makabuluhan nawa sa bawat isa ang pagdiriwang ng Semana Santa, at gawin itong daan para mapalapit at madama ang walang-hanggang pag-ibig ng Diyos.