Nagdeklara si Mayor Sebastian "Baste" Duterte ng “war on drugs” sa Davao City dahil umano sa muling pagtaas ng kaso ng ilegal na droga sa siyudad.
Inanunsyo ito ng alkalde sa isinagawang “change of command” sa Davao City Police Office nitong Biyernes, Marso 22.
“I hereby declare that this city is at war against drugs. Buot pasabot ana, pasensyahay ta. Tagaan ta mo ug oras muhawa mo diri kung gabaligya mo ug droga,” pahayag ni Baste.
“If you are selling drugs sa mga bata, sa mga breadwinner sa pamilya ug bisan kinsa pa dinha, hawa na karon kay napul-an nami dili mi gusto ug ingon ana diri. So this will be your chance to get out of the city,” saad pa niya.
Si Mayor Baste ay anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at kapatid ni Vice President Sara Duterte.
Una nang nagdeklara ng war on drugs si dating Pangulong Duterte sa Davao City noong siya ang alkalde sa siyudad, maging sa buong bansa sa gitna naman ng kaniyang termino bilang pangulo.
Ayon sa mga ulat, mahigit 6,000 katao umano ang pinatay sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte, kung saan inihayag naman umano ng iba’t ibang international human rights organizations na nasa 12,000 hanggang 35,000 ang aktuwal na bilang ng mga nasawi dahil dito.
Kasalukuyan umanong iniimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) ang nangyaring “human rights violations” kaugnay ng “war on drugs” sa Pilipinas.
Kaugnay na Balita: