“Tagay na!”

Tila “pangmalakasan” talaga ang lambanog matapos itong pumangalawa sa listahan ng “Top 79 Spirits in the World” ng TasteAtlas, isang kilalang online food guide.

Sa isang Facebook post ng Taste Atlas, inihayag nitong nakakuha ang lambanog ng 4.4 score, dahilan kaya’t naging top 2 ito sa kanilang listahan.

Pagdating naman sa kanilang website, inilarawan ng kilalang food guide ang lambanog bilang isang “potent Filipino drink” na gawa sa fermented sap ng coconut palm.

National

‘Nakatagay na ba lahat?’ Lambanog, napabilang sa '10 Best Rated Spirits in the World'

“It is a clear, colorless spirit that is quite strong, with the usual alcohol content at around 40% ABV,” anang Taste Atlas.

“Apart from the classic version, modern varieties are often tinted, sweetened, and flavored. Lambanog is traditionally enjoyed neat, usually as a shot, but it also blends well in cocktails and mixed drinks,” dagdag nito.

Tradisyunal daw na pino-produce at ine-enjoy ang lambanog sa lalawigan ng Quezon.

“In the past, it was frequently produced by farmers, similar to a local version of moonshine, but recently it has mostly shifted to factory production, and its quality has significantly improved,” saad ng Taste Atlas.

Matatandaang noong nakaraang taon ay naging pangsampu naman ang lambanog sa listahan ng Taste Atlas para sa “best-rated spirits” sa mundo.