Posibleng umabot sa 500,000 ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa bansa sa 2030, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Sabado.

Paliwanag ni DOH Undersecretary Eric Tayag, nasa 50 ang kaso nito kada araw, tumaas kumpara sa dating anim.

“Ang tantiya po namin ay nasa 185,000 may HIV at sa mga ilang taon pa ay baka umabot tayo ng kalahating milyon in 2030,” pagdidiin ng opisyal sa press conference sa Quezon City nitong Sabado.

National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante

“May kampanya kami para huwag matakot at maging regular na lang itong pagpapa-testing (We do campaigns so people won’t be afraid to get tested regularly,” aniya.

Tumataas aniya ang kaso nito sa 15-24 age bracket, gayunman karamihan ng kaso ay nananatiling nasa 25-34 age group.

Binabantayan aniya nila ang mga buntis na overseas Filipino workers at ang mga nagtuturok ng gamot dahil sa posibleng kontaminadong karayom.

 

PNA