Umabot sa “danger” level ang heat index sa dalawang lugar sa bansa nitong Sabado, Marso 23, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, naramdaman ang heat index na 42°C sa Puerto Princesa, Palawan at Cotabato City, Maguindanao. 

Ang heat index ay ang pagsukat umano kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Ayon din sa PAGASA, maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion."
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso