“We expect the new batch of vaccines, which is around 800,000 to 1 million to arrive in June. It’s through UNICEF (United Nations International Children's Emergency Fund). There will be a bidding (and) the manufacturers will be from India and China,” pahayag ni DOH Undersecretary Eric Tayag sa pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado.
Idinahilan ng opisyal, nasa 453 na ang naitalang kaso nito sa bansa, kabilang na 35 na binawian ng buhay hanggang nitong Marso 9.
Paliwanag ni Tayag, kailangan pa ring kumpirmahin ang mga kaso nito katulad ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) na dadaan pa sa swab test.
Sa 453 kaso aniya, 167 ang nakumpirmang pertussis o whooping cough.
Binanggit nito, naitala ang pinakamataas na kaso nito sa Metro Manila, Southern Luzon, at Central Visayas.
Nanawagan muli si Taya sa mga magulang, lalo na sa mga ina na pabakunahan na ang kanilang anak laban sa sakit.
“As early as weeks-old babies and up to 12-year-old children may avail of the vaccine, which is being provided by the department for free. Mothers and other guardians are advised to go to health centers in their locality to avail of free vaccine,” dagdag pa ng opisyal.
PNA