Pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naging pag-aresto kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Timor Leste at nangakong gagawin ng pamahalaan ang lahat upang maiuwi ito sa bansa.

Matatandaang kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes, Marso 21, na matagumpay na naaresto ng mga awtoridad si Teves habang naglalaro ito ng golf sa Dili East Timor dakong 4:00 ng hapon.

Sa isa namang X post nitong Biyernes, Marso 22, pinuri ni Marcos ang “collaborative efforts” ng law enforcement agencies ng Pilipinas at kanilang international partners dahil sa naturang pagkaaresto kay Teves.

National

Teves, arestado sa Timor Leste habang naglalaro ng golf – DOJ

“I extend my heartfelt gratitude to all those involved in this operation for their unwavering dedication to upholding peace and order,” ani Marcos.

Nangako rin ang pangulo na gagawin ng pamahalaan ng bansa ang lahat upang mapauwi si Teves at harapin ang mga kasong ibinabato laban sa kaniya.

“Rest assured that the government will take all necessary actions to bring him back to the country so he can face the charges filed against him,” saad ni Marcos.

“I assure the Filipino people that we will spare no effort in ensuring that justice will prevail in this case,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselado na ang pasaporte ni Teves.

https://balita.net.ph/2024/03/22/passport-ni-teves-kanselado-na-dfa/

Nahaharap si Teves sa iba’t ibang murder charges dahil sa umano’y pagiging “mastermind” niya sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

https://balita.net.ph/2023/03/27/teves-isa-sa-mga-tinitingnang-mastermind-sa-pagpaslang-kay-degamo-sec-remulla/

Matatandaang noong Marso 4, 2023 nang masawi si Degamo, kasama ang walo pang sibilyang nadamay, matapos silang pagbabarilin ng armadong grupo sa harap ng bahay nito sa lungsod ng Pamplona.

https://balita.net.ph/2023/03/04/negros-oriental-gov-degamo-pinagbabaril-patay/