Nangako ang Food and Drug Administration (FDA) na aapurahin nito ang pag-aapruba sa mga bakuna laban sa African swine fever at Avian Influenza (AI).

Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang hakbang ng FDA ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na madaliin ang pagbili ng mga bakuna laban sa ASF at AI.

National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante

”Isa po doon sa napag-usapan ay paano na po ma-harmonize iyong mga proseso at iyon pong mga approval process ay masigurado na iyong criteria na ginagawa ng Bureau of Animal Industry (BAI) at ng FDA ay maayos na po para mapabilis iyong pag-approve," anang opisyal.

Nitong Huwebes, nagpulong sina DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. at FDA Director General Dr. Samuel Zacate kung saan nangako sila sa isa't isa na magtutulungan upang laban ang ASF at AI.

Nauna nang hiniling ng DA sa supplier ng bakuna mula sa United States at Vietnam na kumuha muna ng permit sa FDA upang tuluyang mapakinabangan ng pamahalaan ang kanilang produkto.

PNA