Nagbigay ng reaksiyon si “Eat Bulaga” host Maine Mendoza sa isang blind item na ang inilalarawan ay isang female host na mataray umano at supalada.

Sa isa video na ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “basicpinay,” makikita ang komento roon ni Maine noong Miyerkules, Marso 20.

“Ako agad?😅” sey ni Maine.

Ayon kasi sa text na nakalapat sa naturang video: “DA WHO female show host na kilala bilang masa at kalog, napakataray in real life. According to a clinic owner, banned na ang host from her business dahil walang respeto sa staff niya ito.”

“Ang team ni host ang nakiusap sa clinic na baka pwedeng i-groom siya sa hotel niya before a shoot. Suplada, no eye contact, panay pintas at reklamo ang host despite na team niya ang nakiusap ng last minute ex-deal services,” dugtong pa rito.

Pero sabi naman ng uploader: “Parang she’s talking to the commenters na nang name drop sakanya. But hello @mainedcm! 👋🏻”

“I also did not deny many of the other names mentioned here. ✌️” dugtong pa niya.

Bukod kay Maine, kasama rin ang pangalan nina Anne Curtis, Kim Chiu, Alex Gonzaga, Mariel Rodriguez, at Herlene Budol sa mga hinuhulaan ng mga netizen.

“si alex yan haha”

“Alam ko namang hindi si Anne Curtis Pero sya una pumasok sa isip ko 🥲”

“mariel rodriguez to”

“Ako rin, si Kim Chiu din naiisip ko. Kayo din pala 😅 pero impossible daw ❤️”

“Alex G yan for sure 👌”

“Baket si alex gonzaga naiisip ko hahahaha”

“Bat si Herlene unang pumasok sa isip ko?”

“bakit s Anne naIsip ko s masa at kalog 😭 pero impossible napakaBait n Anne curtiss”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 50.2k likes at 4.2M ang naturang video.