Hindi sapilitan ang pagsusuot ng face mask sa Quezon City sa kabila ng paglaganap ng whooping cough o pertussis, ayon sa QC Epidemiology and Surveillance Division (ESD).

“Hindi naman po necessary na mandatory ang pagsusuot ng face mask, lalung-lalo na kung wala naman kayong sintomas,” pahayag ni QCESD officer-in-charge Dr. Rolando Cruz sa panayam sa telebisyon nitong Biyernes ng umaga.

National

Marce, itinaas na sa ‘typhoon’ category; 12 lugar sa Luzon, nasa Signal #1

Gayunman, nanawagan si Cruz sa mga matatanda na may sintomas ng sakit na magsuot ng face mask kapag lumabas ng bahay, kasama ang mga bata.

“Importante po 'yung pagsusuot ng face mask sa mga household, especially doon sa mga miyembro na may sintomas at huwag silang lalapit doon sa mga sanggol o sa mga bata na hindi pa nababakunahan ng para sa sakit,” ani Cruz.

Nitiong Huwebes, Marso 21, nagdeklara si Mayor Joy Belmonte ng pertussis outbreak matapos tumaas ang kaso ng sakit sa lungsod.

Nasa 23 kaso ng pertussis ang naitala ng lungsod hanggang nitong Marso 20, ayon sa QCESD.

Sa datos ng QCESD, apat na sanggol na ang nasawi sa sakit sa ngayong taon.

Pinayuhan din ni Cruz ang mga magulang na huwag na munang ilabas ng bahay ang kanilang sanggol upang hindi mahawaan ng whooping cough at iba pang sakit.