“Importante po 'yung pagsusuot ng face mask sa mga household, especially doon sa mga miyembro na may sintomas at huwag silang lalapit doon sa mga sanggol o sa mga bata na hindi pa nababakunahan ng para sa sakit,” ani Cruz.
Nitiong Huwebes, Marso 21, nagdeklara si Mayor Joy Belmonte ng pertussis outbreak matapos tumaas ang kaso ng sakit sa lungsod.
Nasa 23 kaso ng pertussis ang naitala ng lungsod hanggang nitong Marso 20, ayon sa QCESD.
Sa datos ng QCESD, apat na sanggol na ang nasawi sa sakit sa ngayong taon.
Pinayuhan din ni Cruz ang mga magulang na huwag na munang ilabas ng bahay ang kanilang sanggol upang hindi mahawaan ng whooping cough at iba pang sakit.