Pare-parehong pumasok sa kumbento ang triplets sa bansang Brazil upang paglingkuran ang Panginoon bilang mga madre, gaya ng pangarap nila mga bata pa lamang.
Sa ulat ng Catholic News Agency na inilathala sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) News, lumaki sa isang Katolikong pamilya ang 17 magkakapatid kabilang na ang triplets na sina María Gorete dos Santos, María de Lourdes dos Santos, at María Aparecida dos Santos, 57-anyos, mula sa Bahia state sa Brazil.
Simula pagkabata, naramdaman na raw ng triplents ang kanilang bokasyon.
“We didn’t know… what it was like, we just wanted to be religious. It was something that only God can explain,” ani María Gorete.
Noong bata raw sila, nakadaupang-palad nila ang isang madre mula sa Italy na si Sister Ricarda nang bumisita ito sa kanilang komunidad.
“She gathered the children, seated them in front of the altar, put on a record player, and taught us,” saad ni María Gorete. “That made us feel the call even more. We grew up with this idea, which matured, and we lived with this ideal.”
Hanggang sa nalaman umano ng isang pari na nagdiwang ng Misa sa kanilang rehiyon ang tungkol sa kanilang pagnanais na pumasok sa kumbento. Doon ay nakipag-ugnayan ang pari sa superior ng isang kumbento Bahía, na nagsabing maaari niyang kunin ang mga kabataang babae.
Nauna umano si María de Lourdes na sumunod sa tawag ng kanilang bokasyon noong 1984. Dahil kailangan pang tumulong ng mga kakambal sa nakababata nilang kapatid sa bahay, nakasunod lamang umano si María Aparecida sa kumbento makalipas ang isang taon, hanggang nakasunod na rin makalipas ng isa pang taon si María Gorete.
“It’s worth leaving everything, leaving the family. It’s not like abandoning the family, but following what Jesus says: If you want to follow me, renounce everything you have, pick up your cross, and follow me. It gives life meaning,” ani María Gorete.
“By deciding to follow Jesus, we prepare ourselves for whatever comes. We don’t know what’s ahead, but we know we’re not alone. So, we have the courage to give up everything and go without fear. The apostles followed without fear and fulfilled their mission. We are here in the world to carry out our mission of serving, whether in the family, in the convent, wherever God wants us,” saad pa niya.
Sa kasalukuyan ay kapwa kasapi umano ang triplets na madre sa Franciscan Congregation of the Sacred Heart of Jesus kung saan sila naglilingkod sa Panginoon nang buong puso.