Inaasahang mararanasan ang patuloy na pagbaba ng water level ng Angat Dam hanggang sa Abril, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa abiso ng PAGASA-Hydrometeorological Division, nasa 200.70 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam nitong Huwebes ng umaga, mababa kumpara sa 200.99 nitong Miyerkules ng umaga.

Bagamat malayo pa ito sa 212 metrong normal high water level (NHWL), nababahala pa rin ang PAGASA dahil posible itong umabot sa 189 metro sa huling bahagi ng Abril bunsod ng tuloy-tuloy na pagbaba nito.

Isinisi naman ito ng PAGASA sa kakulangan ng ulan sa watershed dahil sa nararanasang tagtuyot na dulot ng El Niño na inaasahang magtatagal pa ng ilang buwan.

National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’

Walong water reservoir pa ang patuloy na binabantayan ng PAGASA dahil din sa patuloy na pagbaba ng imbak na tubig.

Ang walong dam ay kinabibilangan ng Ipo, La Mesa, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat Dam at Caliraya.