Sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi na mahalaga ang kaniyang opinyon o payo para kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy matapos ang inilabas ng Senado na “arrest order” laban dito.
Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Huwebes, Marso 21, tinanong si Duterte hinggil sa naging desisyon ng Senado na isyuhan ng arrest order si Quiboloy.
MAKI-BALITA: Zubiri, nilagdaan na arrest order vs Quiboloy
“Hindi naman na mag-matter iyong advice ko and opinyon ko rito,” sagot ng bise presidente.
Samantala, pinayuhan naman ng bise presidente ang Sonshine Media Network International (SMNI) ni Quiboloy na kumonsulta sa kanilang abogado kaugnay ng desisyon ng Kamara na bawiin na ang kanilang prangkisa.
MAKI-BALITA: Kamara, inaprubahan pagbawi sa prangkisa ng SMNI
“What I would suggest sa SMNI is to consult their lawyers kung ano iyong mga pwedeng legal options with regard to their franchise,” saad ni Duterte.
Matatandaang kamakailan lamang ay nanawagan si Duterte ng katarungan para sa pastor na nakararanas umano ng “pandarahas.”
MAKI-BALITA: VP Sara, nanawagan ng katarungan para kay Quiboloy: ‘Bigyan siya ng patas na laban’
Pagkatapos nito, dumalo pa ang bise presidente, kasama ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa isang prayer rally para kay Quiboloy.