Hindi raw alam ng nag-viral na guro na naka-online siya noong mga sandaling sinermunan niya ang kaniyang mga estudyante, ayon kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.

“Ang sabi niya, hindi niya alam na online siya,” ani Duterte sa panayam ng mga mamamahayag nitong Huwebes, Marso 21.

Sa naturang panayam ay sinabi rin ng kalihim ng DepEd na hindi nila papatawan ng parusa ang guro dahil katulad daw ng iba ay tao lang din naman ito na nagagalit.

“Tao lang ‘yung teacher. Lahat tayo umaabot sa puntong nagagalit tayo lalo kapag nafu-frustrate tayo,” ani Duterte.

National

VP Sara, ‘di parurusahan gurong ‘nagpagalit’ sa mga estudyante: ‘Tao lang siya’

This is especially true sa mga teacher, dahil ang mga teacher natin hindi lang isa na tao ‘yung kausap nila. Ang isang klase mayroong from 25 to 45 sometimes 55 students,” dagdag pa niya.

Matatandaang base sa viral na TikTok livestream ng gurong may username na “Serendipitylover” na kumalat na rin sa Facebook at X (dating Twitter), pinapagalitan nito ang kaniyang mga estudyante dahil umano sa hindi magandang ugali ng mga ito.

Maririnig sa video ang pagbibitaw ng guro ng mga salitang tulad ng “ang kakapal ng mukha ninyo” at “wala kayong mararating sa buhay,” bagay na binatikos naman ng ilang netizens sa social media.

“Nakakalimutan n’yo ‘yung ano n’yo ha, ‘yung boundaries n’yo. Nakakalimutan n’yo ‘yung boundaries nyo. Una sa lahat hindi n’yo kami binabayaran dito para magtau-tauhan at gawing robot at gawin n’yong katatawanan sa harapan. Pangalawa, hindi ako nag-board exam para lang hindi irespeto ng mga katulad n’yong wala pa namang nararating sa buhay,” anang guro sa video.

“Ang kakapal ng mga mukha n’yo! Hindi n’yo nga kayang buhayin ang mga sarili n’yo. Hindi kayo marunong rumespeto,” dagdag niya.

https://balita.net.ph/2024/03/16/wala-kayong-mararating-guro-viral-nang-i-live-stream-pagpapagalit-sa-mga-estudyante/