Vaping ban implementation sa mga eskuwelahan, pinaigting pa ng DepEd
Pinaigting pa ng Department of Education (DepEd) ang ipinatutupad na pagbabawal sa paggamit ng vape sa mga eskuwelahan sa bansa.
Nilinaw ni DepEd Assistant Secretary Dexter Galban, ipinagbabawal din nila ang pagbebenta ng produkto sa loob ng 100-meter radius mula sa mga paaralan.
Aniya, hihingi sila ng tulong ng mga ahensya ng gobyerno upang maipatupad nang gusto ang nasabing hakbang.
"Patuloy po naming pinapalakas ang implementasyon ng aming mga programa. Mula Barkada Kontra Droga na naging Barkada Kontra Bisyo, integrating it to our mental health program," aniya.
Pagdidiin ni Galban, ang nasabing hakbang ay alinsunod sa DepEd Order 14 at DepEd Memorandum 111 na nagbabawal ng paninigarilyo at paggamit ng vape sa mga paaralan.
"Gumawa rin kami ng task force, na pinangungunahan mismo ng mga kabataan, ng ating mga learners na magiging watchdogs," dagdag pa ng opisyal.
PNA