Muling bubuksan ang mga bodega ng National Food Authority (NFA) na nauna nang isinara sa kabila ng kontrobersyal na bagsak-presyong bentahan ng bigas kamakailan.

Ipinaliwanag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., kailangang buksan ang mga warehouse dahil sa anihan.

“We will ensure that all padlocked warehouses will be opened soonest to optimize the impact of NFA’s procurement activities on rice farmers' income as well as secure the maximum volume of palay for buffer stocking,” aniya.

National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante

Dahil dito, inilipat muna ni Laurel ang kapangyarihan sa mga deputy supervisor upang tuluyang maisagawa ang pagbubukas ng mga apektadong pasilidad.

Kamakailan, sinuspindi ng Office of the Ombudsman ang mga supervisor ng NFA dahil sa usapin.

PNA