Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa publiko na samantalahin ang abot-kayang bilihin na iniaalok ng mga Kadiwa ng Pangulo (KNP) center sa Metro Manila mula Marso 18-27.

Sa pahayag ng DA, layunin ng KNP na mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka at small and medium enterprise (MSMEs) na magamit ng libre ang mga lugar ng gobyerno upang maibenta ang kanilang produkto sa mahihirap.

Ang KNP ay binuo ng DA sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nagsisilbing guiding arm ng KNP ang Presidential Management Service (PMS) at Presidential Communications Office (PCO).

National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’

Hinikayat din ng DA ang publiko na bisitahin lamang ang official Facebook page ng ahensya para sa karagdagang impormasyon.