Kinukumbinsi na ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang anak kasunod na rin ng tumataas na kaso ng tigdas at pertussis sa bansa.
Ang panawagan ng ahensya ay kasunod ng pagpapaigting ng vaccination campaign nito upang dumami pa ang mabakunahan laban sa sakit.
National
VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’
Inilahad ng DOH, nasa 52 kaso ng pertussis o whooping cough ang naitala noong 2019, at 27 noong 2020 sa loob lamang ng unang 10 linggo.
Dahil dito, pinag-iingat ng DOH ang publiko dahil mabilis makahawa ang nasabing sakit.
Ipinaliwanag ng ahensya, maaaring magamot ang Pertussis sa pamamagitan ng antibiotics, gayunman napipigilan ito sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Nasa 569 na kaso ng tigdas at rubella ang naitala sa bansa nitong Pebrero 24.
Naiulat na tumataas ang kaso nito sa lahat ng rehiyon sa bansa, maliban lamang sa Bicol at Central Visayas.
Puntirya ngayon ng DOH na mabakunahan ang 90 poprsyento ng high-risk population, lalo na ang mga batang anim na buwan hanggang 10 taong gulang, sa layuning makontrol ang tigdas.