Isang kongresista ang nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Huwebes na pamunuan muna ang National Food Authority (NFA) habang iniimbestigahan pa ng pamahalaan ang kontrobersyal na paluging bentahan ng rice buffer stocks.

Idinahilan ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee, si Marcos lamang ang makareresolba sa mga usaping may kaugnayan sa ahensya.

"For me, to fast-track everything, to resolve everything, and not put any more delays on this, the president in the meantime should take over while he is looking for the most suitable candidate to head the NFA," paliwanag ng kongresista sa isang television interview nitong Huwebes ng umaga.

National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’

Matatandaang sinuspindi ng Office of the Ombudsman ang mahigit sa 100 kawani ng ahensya dahil sa umano'y pagkakadawit sa kontrobersya.

Nitong Lunes, itinalaga ng Department of Agriculture (DA) si DA Director IV Larry Lacson bilang officer-in-charge ng NFA.