Umaabot na sa mahigit 65,600 pamilya ang apektado ng nararanasang tagtuyot na dulot ng El Niño sa bansa.
Ito ang isinapubliko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sinabing ang mga ito ay mula sa 160 barangay sa Region 3, MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) Region 4B, Region 6, at Zamboanga Peninsula.
Dahil dito, patuloy pa ring tinutulungan ng ahensya ang mga lugar na naapektuhan ng tagtuyot.
National
VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’
Umabot na sa ₱1.2 milyong halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi sa mga nasabing pamilya.
Idinagdag pa ng DSWD, aabot pa rin sa ₱1.1 bilyong halaga ng relief resources ang naka-standby.