Muling nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Bureau of Immigration (BI) na higpitan ang pagbabantay upang hindi makalabas ng bansa si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.

Katwiran ng senador, hindi mahihirapan ang mga awtoridad na arestuhin si Quiboloy kung hindi pa ito nakalabas ng bansa.

Nitong Martes, naglabas ng warrant of arrest ang Senado laban sa dating presidential spiritual leader ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ilang beses na pagbalewala sa imbitasyon ng mga senador na dumalo sa pagdinig hinggil sa alegasyon ng mga dating miyembro ng KOJC na inabuso nito.

Kaugnay nito, humirit din si Senate President Juan Miguel Zubiri na magkaroon kaagad ng pagdinig kung maaresto si Quiboloy.

Tiniyak naman ni Legarda, chairperson ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, itatakda kaagad ng komite ang pagdinig sa usapin sa gitna ng session break ng Senado.