Isang netizen ang nagpahayag ng kaniyang opinyon at saloobin patungkol sa ilang mga estudyanteng pumapalag at nagpoprotesta sa mga nakahaing regulasyon at polisiya ng kanilang pinasukang paaralan.

Ayon sa Facebook post ni Jose Enrico V. Libunao, marami sa mga estudyante ngayon ang nagrereklamo na sa required haircut policy ng mga paaralan.

Sa realidad daw kasi, lalo na kapag nagtatrabaho na, kailangang sumunod sa mga polisiya at regulasyon, at kung hindi ay puwede itong maging dahilan para matanggal. Sa mundong ito, hindi raw lahat ng personal na gusto ay masusunod.

"Kung iniiyakan ninyo ang pagsunod sa school regulations gaya ng tamang gupit, I can’t wait to see how devastated you will be once you enter the real world and realize na HINDI kayo ang masusunod."

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

"Pagsusuutin pa rin kayo ng ID. Papapasukin on time. Pagdadamitin ng maayos. At sasabihang magpagupit ng tama alinsunod sa mga patakaran ng kumpanya. Sounds familiar ba? Surprise!"

"Facts don’t care about your Feelings," aniya.

Photo courtesy: Jose Enrico V. Libunao (FB)

Pahabol na paliwanag pa ni Libunao na mababasa sa comment section ng kaniyang post, "Sa eskwela pag di ka sumunod sa rules, mababaw ang parusa. Principal’s office. Guidance. Sermon. Mababang grade. Yun na yun."

"Sa opisina, try mo gawin yun. Ang ending mo kaltas ng sahod, suspension, o kaya sisante ka. Worst case, walang tatanggap sayo. Either maghanap ka ng kumpanya na maluwag o magtayo ka ng sarili mong negosyo. Until then, you have to follow the rules."

"In reality, SHELTERED ang mga bata sa eskwela. That is nothing compared to the harshness and cutthroat nature of the real world. Kaya kung diyan pa lang eh tupi na sila, may problema tayo."

Photo courtesy: Jose Enrico V. Libunao (FB)

Hindi tinukoy ng netizen kung sinong mga estudyante ang pinatutungkulan niya.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Libunao na noon daw ay uso pa ang "ukaan" ng buhok sa male students na hindi nagpapagupit at sumusunod sa required haircut ng paaralan.

"Dati tinatawanan lang namin kapag naukaan kame ng buhok ng titser sabay diretso sa barbero. Ngayon mental health issue na pala ‘to," aniya.

Photo courtesy: Jose Enrico V. Libunao (FB)

Narito naman ang reaksiyon at komento ng mga netizen sa post ni Libunao:

"Sobrang entitled na ng mga kabataan ngayon dahil sa child protection policy na 'yan."

"Hindi uso ang YOLO sa totoong buhay..too many rules, failures, norms and cultures to follow..cge kontrahin nila lahat tignan natin kung saan sila pupulutin.."

"akala kasi ng ibang kabataan ngaun ke lalaki or babae, bakla or tomboy pa yan, e entitled sila at papabor sa kanila lagi, sumbong sa socmed. what if wala na ang socmed, konting kibot video and school is important kng pano ka makisalamuha sa society, tpos simpleng school policies ndi masunod, reklamador na, ndi naman sguro nila ikakasakit kng sumunod sa regulations kaya nga OBEY FIRST BEFORE YOU COMPLAIN, khit sa bible meron neto.. NO PAIN NO GAIN!!"

"taga-EARIST ako, Fine Arts. wala akong maalala na ganyang rules nung college ako pero kapag may mga patakaran, sumusunod lahat. ngayon grabe na maka-react ang mga student sa simpleng patakaran. hindi ko gets kung bakit kailangan nila mag-marakulyo ng ganun para lang sa pag-gupit ng buhok. pagka-graduate nila, mag-alagwa na sila kahit magpahaba pa sila ng bulhok kung saan saang parte ng katawan. maigi pa nung h.s, masunurin pa yung gay classmates namin kesa sa mga totoong lalake sa required na haba ng hair."

Kamakailan, naibalita ang pagpoprotesta ng transgender students ng Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) sa pamunuan ng paaralan dahil sa hair cut requirement ng paaralan sa kanilang male students.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!