Pinag-iingat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) ang mga residente dahil sa naitatalang kaso ng Pertussis o "Whooping Cough."

Sa pahayag ng QC government, ang Pertussis ay isang impeksyon sa respiratory system na dulot ng bakteryang Bordetella Pertussis.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nakaaapekto ito sa mga sanggol na wala pang 6 buwang gulang at hindi pa ganap na protektado ng bakuna.

Nakahahawa rin ang nasabing sakit kaya't pinapayuhan ng QCESD ang bawat pamilya na pabakunahan na ang kanila-kanilang sanggol.

"Bakuna sa Pertussis ang isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon nito. Kung sakali namang nakararanas na ng sintomas nito, maaaring magpa-konsulta sa pinaka-malapit na health center. Huwag din uminom ng gamot ng hindi inireseta ng doctor," anang QCESD.

Pinayuhan din ng city government ang mga magulang na dalhin lamang pinakamalapit na health center ang mga anak sakaling nakararanas ng mga sintomas ng sakit.

Matatandaang isang sanggol na isang buwang gulang ang nasawi sa sakit sa Balasan, Iloilo nitong Pebrero 2024.