Sa halip daw na tapakan at saktan, nag-abot daw ng mga kamay ang GMA sa ABS-CBN matapos nitong mawalan ng prangkisa noong 2020.

Sa kaniyang binigkas na speech sa ginanap na contract signing ng “It’s Showtime” sa GMA, binanggit ni Vice Ganda ang ginawang pagtulong ng naturang network sa ABS-CBN.

“Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat kung gaano kasadsad ang isinadsad ng Kapamilya. Pero naririyan kayo hindi para tapakan kami at saktan pa sa panahong sadsad na sadsad kami,” saad ni Vice Ganda.

“Inialay n’yo ang mga kamay n’yo sa amin para unti-unti kaming makabangon. Maraming-maraming salamat. Hinding-hindi po namin ‘yan makakalimutan,” dugtong pa niya. 

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Matatandaang Mayo 2020 nang tuluyang mawalan ng bisa ang 25-taong legislative franchise ng ABS-CBN Corporation matapos mag-no ang 70 kongresista sa pagbibigay ng prangkisa.

Bukod pa rito, binanatan din ang nasabing TV network ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi nito pagpapalabas ng kaniyang campaign ads noong 2016.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng network at ipinaliwanag na may limitasyon umano ang pagtanggap nila ng local ads.

Samantala, sa unang bahagi ng kaniyang speech sinariwa rin ng Unkabogable star ang karanasang ibinigay sa kanila ng Kapuso network mula sa pagsampa nila sa GTV haggang sa pagdalo nila sa GMA Gala 2023.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!