Mabilis na nakuha ni “Queen of Bangsamoro Pop” Shaira Moro ang spotlight matapos mapakinggan ang kanta niyang “Selos” sa iba’t ibang social media platforms.

MAKI-BALITA: Kilalanin: Shaira, Reyna ng Bangsamoro Pop

Kaya naman, hindi nakapagtatakang naitala bilang number 1 sa Spotify Viral Song PH noong Marso 8.

Pero kasabay ng pamamayagpag ng pangalan ni Shaira, nabalot siya ng kontrobersiya dahil maraming nakapuna na tila katunog ng “Selos” ang  “Trouble Is A Friend” ni Australian singer-songwriter Lenka.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Sa isang Instagram post ni Lenka noong International Women’s Day, isang netizen ang tila nagsumbong sa Australian singer-songwriter na may kumukuha umano at kumikita sa isang kanta niya.

“Hi Someone else is claiming your song and earning from it - it was ‘Selos’ shaira,” saad ng naturang netizen.

Tumugon dito si Lenka: “yes we have taken action [thanks].

Samantala, sa isang opisyal na pahayag na inilabas ng record label ni Shaira nitong Martes ng gabi, Marso 19, kinumpirma nila na galing nga umano ang melody ng “Selos” sa “Trouble Is A Friend.” 

MAKI-BALITA: ‘Selos’ ni Shaira, tinanggal na sa mga online streaming platform

Gayunpaman, hati pa rin ang pananaw at opinyon ng mga netizen. May mga nagsasabing dapat daw magpasalamat si Lenka kay Shaira dahil pinasikat nito ang kanta ng una. May ilan namang iginiit na hindi dapat i-normalisa ang copyright issue. Ang mali ay mali.

MAKI-BALITA: Lenka, kinukuyog ng fans ni Shaira: ‘Hindi naman inangkin’

MAKI-BALITA: Lenka, dapat daw magpasalamat kay Shaira

Ano’t anoman, ang mahalaga ay sinusubukan na ng record label ni Shaira na ayusin ang gusot sa pagitan nila at ni Lenka. 

Kaya habang may bahid pa ng kontrobersiya ang “Selos,” pakinggan muna natin ang iba pang kanta ni Shaira na siguradong magugustuhan din ng kaniyang fans.

  1. Forever Single (Walang Jowa) 

Sa kantang “Forever Single,” makaka-relate ang mga taong pressured na sa pagiging single.   Isinilid kasi sa mga titik ng awitin ang danas ng isang walang jowa na laging ginigisa ng tanong ng kaniyang mga kamag-anak tuwing may dinadaluhang mga okasyong pampamilya. Family reunion, halimbawa. 

Pansinin ang lyrics sa bahaging chorus ng kanta:

“Ilang taon ka na?

Wala ka pang jowa

Lahat ng barkada mo ay may asawa na

Sadyang pihikan ba o sobrang mong choosy?

Kailan ka ba magkakapamilya?”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, mayroon nang mahigit 1.5M views ang &pp=ygUOZm9yZXZlciBzaW5nbGU%3D">official music video nito sa YouTube.

  1. Pakboy

Isang matalas na pagpuna at pagtuligsa naman ang nilalaman ng kantang “Pakboy” para sa mga lalaki na tila lahat ng babae ay gustong maangkin. Sa isang bahagi rin ng kanta, mapakikinggan ang pasaring sa kalalakihang sinasamantala ang pagkakataon na magpa-convert sa relihiyong Islam para lang magkaroon ng maraming asawa.

Pansinin ang lyrics sa unang verse ng kanta:

“Iba’t ibang putahe ang nais matikman

Kaya ba kami ay gano’n mo na lang paglaruan?

Nagpa-convert ng Muslim para maging legal

sa ‘yong kabaliwan, ilang beses magpakasal.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 1.2M views ang &pp=ygUGcGFrYm95">official music video nito sa YouTube.

  1. Machine Gun

Inihahalintulad sa kantang ito ang “machine gun” sa isang bibig na panay ang putak at dada.  Pero maliban sa pagtutulad, binabasag din sa “Machine Gun” ang streotype ng lipunan sa kababaihan bilang mga tao na makuda at mabunganga. 

Pansinin ang lyrics sa unang verse ng kanta: 

“Kaming mga babae daw ay naturingan 

Na masyadong madada

‘Di nauubusan, ‘di rin napapagod 

kung makapagbunganga

Kapag nagsimula na siyang magsalita

Tila ay walang preno’t katapusan

Ngunit ‘di rin lahat ay kababaihan

May mga lalaki din na….

Parang machine gun

Bibig niya’y ‘di mo mapipigilan”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umakyat na sa mahigit 921k ang &pp=ygUSbWFjaGluZSBndW4gc2hhaXJh">official music video nito sa YouTube.

  1. Ikaw Lamang (BabyCakes Ko)

Isinatinig ni Shaira sa kantang “Ikaw Lamang” ang puso ng isang taong iniwan ng kaniyang minamahal. Sa kabila ng masiglang tunog ng kanta, punong-puno naman ng lungkot at pighati ang mga titik at salita nito.

Pansinin ang lyrics sa isang bahagi ng kanta: 

“Sa tuwing gabi ikaw ay nasa isip

Lagi kang nariyan sa aking panaginip

Hindi mapakali, tila nasisiraan

Hinahanap ka ng puso ko at isipan

Ngunit tila ba’y may hangganan

Biglang nagbago ka at ako ay iniwan

Ngayon ang puso ko sa ‘yo ay nangungulila

At sana’y bumalik ka na oh pepedtayan.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, mayroon nang 77k views ang &pp=ygUSaWthdyBsYW1hbmcgc2hhaXJh">official music video nito sa YouTube.

  1. Maraming Salamat

Kung ikukumpara sa mga naunang nabanggit niyang kanta, ang “Maraming Salamat” ni Shaira ang maituturing na pinaka-personal sa lima. Sa katunayan, ito ang kaniyang year-end song bago matapos ang taong 2023.

Sa unang bahagi ng music video ng naturang kanta, nagbahagi muna siya ng isang maikling mensahe para pasalamatan ang mga taong nagpakita at nagparamdam sa kaniya ng totoong 

pagmamalasakit at pagmamahal.

“Sa lahat-lahat na naging parte ng buhay ko sa taong ito, maraming salamat po sa inyo. Sa lahat-lahat na sumuporta at nakikinig sa aking mga kanta, ito ay para sa inyo,” ani Shaira.

Kaya pansinin ang lyrics na ito sa isang bahagi ng kanta:

“Maraming salamat sa iyo

Sa lahat ng kabutihan mo

Ang awitin kong ito

Ay para lang sa iyo

Isang munting handog 

Pasasalamat ko

Sa lahat ng pinagdaanan ko

Naging bahagi ka ng buhay ko.

At kahit malayo ay hindi magbabago

Mananatili ka dito sa puso.”

Pero kahit masyadong personal at sentimental ang kanta niyang ito, tiyak namang makakakonekta pa rin ang kaniyang mga tagapakinig. 

Dahil ano nga ba ang sabi ni Carl Rogers? “What is most personal is most universal.” 

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, mayroong 43k views na ang ">official music video nito sa YouTube.