76 lugar, posibleng maapektuhan ng El Niño -- task force
Pinangangambahang maapektuhan ng El Niño phenomenon ang aabot sa 76 lalawigan sa susunod na tatlong buwan.
Ito ang pagtaya ni Task Force El Niño spokesperson Joey Villarama lalo na't hindi pa idinideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpasok ng dry season sa bansa.
Dahil dito, hindi aniya magiging kampante ang pamahalaan sa pagtugon sa nasabing problema ng bansa.
Kamakailan, inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa ₱810 milyon ang pinsala ng tagtuyot sa agrikultura.